Mahigit 1,000 OFWs nakauwi ng bansa kahapon

Mayroon pang mahigit 1,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakauwi sa bansa kahapon araw ng Linggo, June 21.

Kabilang sa dumating kahapon ang 135 na stranded Filipinos mula sa Papua New Guinea.

Pagkatapos maghatid ng mga Pinoy sa bansa, isinakay naman sa parehong eroplano ang mga PNG nationals na na-stranded dito sa Pilipinas pabalik ng kanilang bansa.

Samantala, kahapon din, dumating sa bansa ang 1,305 na overseas Filipinos mula sa Bahrain, Indonesia, Saudi Arabia, the Netherlands, at USA.

Lulan sila ng 6 na magkakahiwalay na flights.

 

 

Read more...