UV Express magsisimula na ring bumiyahe ngayong buwan

Papayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbiyahe ng mga UV Express simula ngayong buwan sa Metro Manila.

Ayon sa LTFRB, bumubuo na ito ng guidelines na ipatutupad sa pagbiyahe ng UV Express sa Metro Manila.

Sinabi ni LTFRB Chairman Martin B. Delgra III na mayroong technical working group (TWG) na bumubuo ng mga kinatawan mula sa Department of Transportation (DOTr) at LTFRB na ngayon ay nagsasapinal ng guidelines.

Sinabi ni Delgra na magiging maingat sa pagbuo ng guidelines na kailangang sundin ng mga operators at drivers ng UV Express.

 

 

Read more...