Apela ni Sen. Go sa IATF: ikonsidera ang backride sa motorsiklo

Umaapela si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Diseases na ikonsidera ang hirit ng ordinaryong mamamayan na payagan na ang back ride sa mga motorsiklo ngayong nasa general community quarantine na ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Ayon kay Go, kulang pa kasi ang mga pampublikong sasakyan para madaling makapasok sa trabaho ang mga manggagawa.

“Malaking tulong sa ating mga kababayan kung papayagan ang ‘backriding’ sa motorsiklo lalo na dahil limitado pa ang public transportation. Huwag lang po natin madaliin. Siguraduhin dapat na magagawa ito sa ligtas na paraan,” pahayag ni go.

Pakiusap naman ni Go sa mga commuter, sundin ang health protocols para makaiwas sa COVID-19.

“Dapat pag-aralan muna kung ‘yung mga proposals tulad ng paggamit ng plastic dividers sa gitna ng nagmamaneho at ng pasahero ay sapat upang hindi makahawa ng sakit. Ikonsidera rin dapat kung ang mga proposed safety measures na ito ay hindi makakasama sa kaligtasan ng pagmomotorsiklo at sa kalsada,” pahayag ni Go.

Read more...