High-value target, timbog sa buy-bust ops sa Cebu City: P340,000 halaga ng shabu, nasabat

Arestado ang isang high-value target sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 7 (PDEA RO7) sa Cebu City, Sabado ng gabi (June 20).

Ayon sa PDEA RO7, ikinasa ang operasyon sa Nivel Hills, Barangay Lahug bandang 6:30 ng gabi.

Nakilala ang naarestong suspek na si Beverly Pelegrino alyas “Kim.”

Nakatakas naman ang kasabwat nito na si Jefferson Lomotos.

Nakuha kay Pelegrino ang dalawang pack ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000, cell phone, motorsiklo, boodle money, at paper packaging.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 26, Article 2 ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa suspek.

Read more...