Gobyerno, nagpadala ng dagdag na medical personnel sa Cebu City

Nagpadala na ng dagdag medical personnel ang pamahalaan sa Cebu City.

Ito ay para matulungan ang mga medical frontliners na matugunan ang tumataas na kaso ng COVID-19 sa Cebu City na ibinalik sa enhanced community quarantine.

Ayon kay National Action Plan (NAP) against COVID-19 Chief Implementer Carlito G. Galvez, Jr., dinagdagan na ang bilang ng mga nurse sa Cebu City.

“Nagdadagdag na rin ng mga rooms ang apat na malalaking hospital sa Cebu para ma-accommodate natin ang mga pasyente at i-reduce ang waiting time para sa mga emergency rooms,” pahayag ni Galvez.

Nagpadala na rin sila ng 25 high-flow nasal cannula non-invasive ventilators, 42,000 Personal Protective Equipment (PPEs), at 16,000 face masks para sa mga frontliners sa Cebu City.

“I encouraged the LGUs (local government units), doctors, health workers and stakeholders to come together, unite and pool our energies and resources to solve the health and economic issues in this locality,” pahayag ni Galvez.

Sa ngayon, nasa 19 critical zones binabantayan sa Cebu City dahil sa biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Galvez, as of June 19, 553,197 tests ang naksagawa na ng kanilang hanay sa buong bansa.

Read more...