Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 466,000 na

Pumalo na sa mahigit 466,000 ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 466,728 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 121,980.

Sumunod na rito ang United Kingdom na may 40,465 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 50,058 naman ang death toll sa Brazil habang 42,589 ang napaulat na nasawi sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Italy – 34,610
– France – 29,633
– Spain – 28,322
– Mexico – 20,781
– India – 13,277
– Belgium – 9,696
– Iran – 9,507
– Germany – 8,961
– Canada – 8,410
– Russia – 8,002
– Peru – 7,861
– Netherlands – 6,089
– Sweden – 5,053
– Turkey – 4,927
– China – 4,634
– Chile – 4,295
– Ecuador – 4,156
– Pakistan – 3,382
– Indonesia – 2,429
– Colombia – 2,126
– Egypt – 2,106

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 8,915,866 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 4,738,608 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...