Australia, ipagpapatuloy ang ‘freedom of navigation’ sa Woody Island sa South China Sea

south china sea woody islandMagpapatuloy pa rin ang freedom of navigation operations ng Australia sa Woody Island sa South China Sea

Ito ay kahit pa nag-deploy na ang China ng anti-aircraft missiles sa Woody Island sa Paracel island chain noong nakaraang linggo.

Ayon kay Australian ambassador to the Philippines Amanda Gorely, hindi magbabago ang posisyon ng Australia sa South China Sea.

Kabasay nito, nanawagan si Australian Prime Minister Malcom Turnbull sa China na itigil na ang anumang aktibidad nito sa naturang rehiyon.

Sinabi ni Turnbull na patuloy ang kanilang suporta sa isang peaceful resolution sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Dagdag ni Gorely, suportado rin ng Australia ang aksyon ng Pilipinas na itaas na ang kaso laban sa China sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague.

Una nang binanggit ni Gorely ang matibay na relasyon ng Pilipinas at Australia sa pagbubukas ng isang exhibit sa isang mall sa Taguig City na nagpapakita ng pagkakaibigan ng dalawang bansa sa Asia-Pacific.

Read more...