Ayon sa National Health Institute (NHI) ng Colombia, nasa mahigit 37,000 na ang naitala kaso ng Zika sa naturang bansa kabilang na ang mahigit 6,300 na mga buntis.
Base sa pinakahuling bilang, as of February 13, nadagdagan ng mahigit limang libo ang kaso ng mosquito-borne virus sa loob lamang ng linggong iyon.
Dahil sa mabilis na pagkalat ng virus, itinaas na ang alarma sa Latin America dahil na rin sa pagkaka-ugnay nito sa microcephaly na isang birth defect sa mga bagong panganak na sanggol.
Ayon pa sa NHI, sa 37,011 na kaso ng Zika, 6,356 dito ay mga buntis.
Posibleng maapektuhan ng Zika virus ang mahigit 600,000 katao sa Colombia ngayong taon ayon sa mga health authority.
Iniulat din ng Colombian health ministry na may tatlong namatay dahil sa Guillain-Barre syndrome na isang neurological disorber na iniuugnay din sa Zika virus.
Amg bansang Colombia ang may pinaka maraming kaso ng Zika sa Latin America kasunod ng Brazil kung saan nagsimula ang outbreak noong nakaraang taon at umabot sa 1.5 million ang kaso ng mosquito-borne virus.