Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, pumalo na sa 8.7 milyon

Sumampa na sa mahigit 8.7 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 8,758,271 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 2,297,190 cases.

Sumunod na rito ang Brazil na may 1,038,568 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 569,063 naman ang kaso sa Russia habang 395,812 ang napaulat na kaso sa India.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 301,815
– Spain – 292,655
– Peru – 247,925
– Italy – 238,011
– Chile – 231,393
– Iran – 200,262
– Germany – 190,660
– Turkey – 185,245
– Mexico – 170,485
– Pakistan – 165,062
– France – 159,452
– Saudi Arabia – 150,292
– Bangladesh – 105,535
– Canada – 100,629
– South Africa – 87,715
– Qatar – 85,462
– China – 83,352

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 462,525 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 4,625,497 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...