Cebu City nakapagtala ng 104 na bagong kaso ng COVID-19

Umabot sa 104 ang panibagong kaso ng COVID-19 na naitala sa Cebu City.

Nakapagtala din ang lungsod ng anim pang pumanaw sa nasabing sakit.

Ayon sa Cebu City Health Office (CCHD), ang mga bagong kaso ay naitala sa 39 na urban at mountain barangays.

Pinakamaraming bagong kaso na naitala sa Barangay Kamputhaw na mayroong 11 kaso at sa Barangay Guadalupe na may 10 kaso.

Ang Barangay Adlaon naman ay nakapagtala na ng unang kaso ng sakit.

Umabot na ngayon sa 4,241 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Cebu City. Sa nasabing bilang, 2,111 na lang ang aktibong kaso.

 

 

Read more...