357 na seafarers galing Netherlands nakauwi na ng bansa

Mahigit 300 ang Filipino Seafarers ang nakauwi sa bansa ngayong araw ng Biyernes, June 19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang 357 na seafarers ay mula sa Netherlands.

Sila ay pawang crew ng Holland America cruises.

Sasailalim sa swab test ang mga umuwing seafarers at dadalhin sa quarantine facility habang hinihintay ang resulta ng COVID-19 test.

 

 

 

Read more...