Kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City, 324 na

Nasa 324 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 6:50, Biyernes ng gabi (June 19), sa nasabing bilang ay 75 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Barangay Putatan na umabot sa 54 cases.

Narito ang kaso ng COVID-19 sa mga sumusunod ng barangay:
– Tunasan – 33
– Poblacion – 47
– Buli – 6
– Ayala Alabang – 32
– Bayanan – 17
– Alabang – 48
– Cupang – 34
– Sucat – 53

321 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 46 ang suspected cases.

Samantala, 213 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 36 ang nasawi.

 

 

Read more...