Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,959

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Biyernes (June 19, 3:00 PM) nakapagtala ng 36 na bagong kaso kaya pumalo na sa 1,959 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 460
Laguna – 575
Batangas – 253
Rizal – 527
Quezon – 144

Nasa 1,057 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 8 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 184
Laguna – 335
Batangas – 168
Rizal – 263
Quezon – 107

Nanatili ang COVID-19 related deaths sa rehiyon sa 178.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 35
Laguna – 37
Batangas – 29
Rizal – 67
Quezon – 10

 

 

Read more...