Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina umabot na sa 298

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO facebook page (3:00 PM Biyernes, June 19) pumalo na sa 298 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan 9 ang nadagdag.

Sa nasabing bilang, 118 ang active cases.

Nadagdagan ng 1 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lungsod kaya umabot na ito sa 30.

Nasa 150 naman ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit.

 

 

 

Read more...