Ayon kina House Committee on Appropriations Chair Eric Yap at Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong, kailangang kumilos ang mga ahensya ng pamahaalan para masawata ang pagkalat ng mga gumagamit ng PWD ID na hindi naman talaga mayroong kapansanan.
Dapat ayon kina Ong at Yap na pag-aralan ng Department of Health (DoH), Department of Interior and Local Government (DILG) at ang National Council on Disability Affairs (NCDA) ang pagpapatupad ng Republic Act 10754 o ang Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability (PWD).
Paliwanag ng mga ito, hindi pa nakakabangon ang bansa dulot ng covid-19 pero marami ang nanamantala sa pamamagitan ng paggamit ng PWD IDs.
Anila “much of the country’s business sector are barely surviving because of the corona pandemic and the unauthorized use of the PWD cards to get discounts as required by RA10754 is making life even harder for them”.
Malaki ayon kay Ong ang nawawala sa mga negosyo at sa pamahalaan dahil sa mga mapagsamantala tulad ng mga ito.
Giit ni Ong, “while he supports the objective of RA 10754, it has become apparent that it is being abused by people faking disability to avail of discounts and privileges provided for PWDs. This is causing huge financial losses no only to many business establishments but to the government as well”.
Upang matiyak na mga karapat-dapat lamang ang makikinabang sa benepisyong dulot ng RA 10754 sabi ni Ong dapat i-recall ng gobyerno ang lumang mga PWD ID at maglabas ng bago na dadaan sa masusing pag-beripika ng DOH o ng NCDA.