Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 2:39 ng hapon ngayong Biyernes, June 19 katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Metro Manila at Laguna.
Malakas hanggang sa matinding buhos ng ulan naman ang nararanasan na sa sumusunod na mga lugar:
– Dasmarinas, Cavite
– Llanera, General Mamerto Natividad, Talavera, Cabanatuan, Santa Rosa, Penaranda, at General Tinio Nueva Ecija
– Capas, Tarlac
– Mabalacat, Pampanga
– San Miguel, Bulacan
– Morong, Bataan
– Batangas City, San Pascual, Cuenca, Alitagtag, Mabini, Bauan, San Luis, at Taal sa Batangas
– Tagkawayan, Perez at Alabat sa Quezon
– Jala-Jala, Rizal
– Zambales
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mabababang lugar sa posibleng pagkakaroon ng flash flood.