Ayon kay Angkas chief transport advocate George Royeca ang mga motorsiklo ng Angkas ay lalagyan ng plastic shields sa pagitan ng driver at pasahero.
Base sa disenyo, ang shield ay nasa likuran ng driver at doon na rin kakapit ang pasahero.
Sa sandaling payagan nang mag-operate, ang mga pasahero ay dapat mayroon na ring sariling helmet at face masks.
Sa ngayon ay bawal pa ang pagbiyahe ng motorcycle taxis.
Maging ang mga motorsiklo na personal na ginagamit ay hindi pwedeng mag-angkas.
MOST READ
LATEST STORIES