Ayon kay Division of City Schools (DCS)-Manila Superintendent Dr. Maria Magdalena Lim, umabot na sa 3,057 ang bilang ng mga transferees mula sa private schools batay sa kanilang datos.
Ani Lim, inaasahan na ang paglipat ng mga estudyante mula sa mga pribadong paaralan dahil may mga magulang na nawalan ng trabaho.
Samantala, umabot na sa 231,061 ang mga nag-enroll sa mga pampublikong paaralan sa Maynila mula noong unang araw Hunyo hanggang ika-18 ng Hunyo.
Ito ay humigit kumulang 85% mula sa bilang ng mga nag-enroll noong nakaraang taon na umabot sa 268,972 estudyante.
Ayon kay DCS Information Officer Aaron Tolentino, 143,215 ng mga nagparehistro ang nasa elementarya habang 77,939 naman ang nasa Junior High School at 9,907 ang nag-enroll sa Senior High School.
Inaasahan ng DCS-Manila na mapupunuan ang nasa 15% kulang sa kanilang target enrollees sa mga susunod na araw.