P1.1M na halaga ng marijuana nakumpiska sa Port of Clark

Aabot sa P1.1 million na halaga ng marijuana ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark.

Nadiskubre ang marijuana sa kargamento na idineklarang “art-work fine” galing California at dumating sa naturang pantalan noong June 9.

Nang isailalim sa physical examination ay natuklasan ang dalawang vacuum-sealed ng kush weeds na nasa 966 grams ang bigat.

Nai-turnover na sa PDEA Region III ang mga nakumpiskang kargamento.

Noong March 30 may nakumpiska ring P13.2 million na halaga ng marijuana sa
Port of Clark ang customs.

 

 

 

 

 

Read more...