Manay, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.0 lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 83 kilometers northeast ng bayan ng MAnay alas-12:35 ng tanghalo Biyernes (June 19).

May lalim na 7 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang intensities bunsod ng pagyanig.

Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

Read more...