LOOK: Toyota nag-donate ng 17 kotse para sa government hospitals

Nagbigay ng labingpitong kotse ang Toyota Motor Philippines sa Department of Health (DOH).

Pawang Toyota Vios ang mga unit na ibinigay ng kumpanya.

Sa post sa Twitter, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na para sa mga government hospital ang nasabing mga sasakyan.

Kasabay nito ay pinasalamatan ni Duque si Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda at si Toyota Motors Phils. President Atsuhiro Okamoto.

 

 

Read more...