Lightning Red Alert itinaas sa NAIA

Nagtaas ng Lightning Red Alert sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa nararanasang malakas na buhos ng ulan.

Ala 1:21 ng hapon ng Biyernes (June 19) sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ipinatigil pansamantala ang airport operations.

Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng
mga tauhan sa paliparan.

Ang Metro Mahila at mga kalapit na lalawigan ay nakararanas ng pag-ulan dulot ng thunderstorm.

 

 

 

Read more...