Molecular laboratory ng Red Cross nakatakdang buksan sa Clark

Nakatakda na ring magbukas ang isa pang molecular laboratory ng Philippine Red Cross sa Clark.

Biyernes (June 19) ng umaga ay nagsagawa na ng inspeksyon si Red Cross Chairman at Senator Richard Gordon sa pasilidad.

Sinabi ni Gordon na ang layunin ay maisailalim sa test ang marami para agad mai-isolate ang mga magpopositibo.

“Our aim is to really get our people tested so that we can immediately isolate those who are affected and prevent the non-carriers from acquiring the virus,” ani Gordon.

Ang mabilis na testing aniya ang susi para mapagtagumpayan ang COVID-19.

 

 

Read more...