Metro Manila, mga kalapit na lalawigan patuloy na uulanin

Magpapatuloy pa ang nararanasang pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan sa susunod na mga oras.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 12:29 ng umaga ngayong Biyernes, June 19 katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Tarlac, Bataan, at Cavite.

Malakas hanggang sa matinding buhos ng ulan naman ang nararanasan na sa Caloocan; Cabiao, San Antonio at San Isidro sa Nueva Ecija; Cabangan, Santa Cruz at Candelaria sa Zambales; San JOse Del Monte, Santa Maria, Bocaue at Norzagaray, Dona Remedios Trinidad, Balagtas, Bulakan, Guiguinto, San Ildefenso, Pandi, Bustos at Plaridel sa Bulacan; Candaba, Pampanga; Tanauan, Santo Tomas, Malvar, Lipa, Rosario, IBaan at Taysan sa Batangas; Antipolo, Rizal; Sampaloc, Lucban, Tayabas at Sariaya sa Quezon.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mabababang lugar sa posibleng pagkakaroon ng flash flood.

 

 

Read more...