Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na simula noong unang araw ng kasalukuyang buwan, umaabot na sa kabuuang 12,535,909 ang nagpa-enroll, mula Kindergarten hanggang Grade 12, para sa Academic Year 2020 – 2021.
Kasama sa mga nagpa-enroll ay ang mga sasailalim sa Alternative Learning System at non-graded learners with disabilities.
Sa naturang bilang 12,114,090 ang nag-enroll sa mga public schools at 412,884 naman ang nagpa-rehistro sa private schools.
Base sa datos ng DepEd, 5,505, 252 sa elementarya; 3,723, 633 sa junior high school; 1,249,966 naman sa senior high school at 661, 907 sa kindergarten.
Simula noong Hunyo 1, nagpatupad na ang kagawaran ng remote enrollment sa pamamagitan ng mga alternatibong pamamaraan,, kung saan hindi na kinakailangan pang magtungo ang estudyante o magulang sa mga paaralan.
Noong nakaraang Martes, sinimulan na rin ng DepEd ang paglalagay ng drop box at kiosks sa mga barangay hall at eskuwelahan para kumuha at maghulog ng enrollment documents gayundin ng Learner Enrollment and Survey Form (LESF).