Mahigit 700 depot personnel ng MRT-3 at Sumitomo negatibo sa COVID-19

Nag-negatibo sa COVID-19 ang mahigit sa 700 depot personnel ng MRT-3 at Sumitomo-MHI-TESP na sumailalim sa rapid antibody testing sa pangunguna ng Philippine Coast Guard (PCG) kahapon, June 18.

Ginawa ang rapid antibody testing matapos magpositibo sa COVID-19 ang 15 manggagawa ng maintenance provider ng MRT-3 na Sumitomo-MHI-TESP.

Magpapatuloy ang rapid testing ngayong araw sa iba pang empleyado ng MRT-3 Depot.

Kung mayroong magpopositibo sa rapid test ay agad silang isasailali sa RT-PCR confirmatory test at self quarantine.

Nagpapatuloy naman ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng 15 tauhan na nagpositibo sa virus.

 

 

Read more...