Santa Cruz, Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 4.1 lindol

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lalawigan ng Mindoro Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 18 kilometers southeast ng bayan ng Santa Cruz alas-9:46 umaga ng Biyernes (June 19).

May lalim na 10 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Roxas, Oriental Mindoro at sa San Jose, Occidental Mindoro bunsod ng pagyanig.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

Read more...