Health Reform Advocate Dr. Anthony Leachon masama ang loob sa gobyerno; may panawagan kay Pangulong Duterte

Masama ang loob sa pamahalaan ni Health Reform Advocate Dr. Anthony Leachon.

Si Leachon ay pinagbitiw bilang special adviser ng National Task Force Against COVID-19.

Sa kaniyang mensahe sinabi ni Leachon na karapatan ng publiko ang malaman kung ano ang totoong nangyayari at kalagayan ng bansa sa pagtugon sa COVID-19.

Sinabi ni Leachon na tinulungan niya ang gobyerno sa abot ng kaniyang makakaya.

Nakalulungkot at iningatan niya ang kaniyang pangalan at karera ay sinisira sa ngayon.

Apela ni Leachon kay Pangulong Duterte ay sana natignan man lamang nito ang kaniyang track record at mga nagawa niya para sa bayan.


 

Read more...