Mga lalawigan sa Southern at Central Luzon uulanin sa susunod na mga oras

Magpapatuloy ang pag-ulan na nararanasan sa mga lalawigan sa Southern at Central Luzon sa susunod na mga oras.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 9:12 ng umaga ngayong Biyernes, June 19 katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa susunod na mga oras sa Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, at Quezon.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang mararanasan sa Mariveles, Bataan.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mabababang lugar sa posibleng pagkakaroon ng flash flood.

 

 

Read more...