Sarangani, Davao Occidental muling niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 8 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-9:00 umaga ng Biyernes (June 19).

May lalim na 217 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Nauna nang niyanig ng magnitude 3.5 na lindol bayan ng Sarangani, alas-4:18 ng madaling araw.

 

 

Read more...