Bangkay ng 282 na Pinoy stranded sa Saudi Arabia

Stranded at hindi pa maiuwi sa bansa ang aabot sa 282 na mga Pinoy na nasawi sa Saudi Arabia.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III sa nasabing bilang, nasa 50 ang nasawi dahil sa COVID-19.

Ani Bello may utos na ang hari ng Saudi Arabia na iuwi sa Pilipinas ang mga nasawing Pinoy.

Gayunman, dahil sa umiiral pang paghihigpit sa Saudi, hindi pa pinapayagan ang Pilipinas na makapagpadala ng chartered flights upang maiuwi ang mga nasawi.

Nagsabi na rin ang pamahalaan ng Saudi na kung hindi maiuuwi agad ang mga bangkay, ang 50 nasawi sa COVID-19 ay doon na ililibing.

Ani Bello, nakipag-ugnayan na siya sa OWWA at binilinan na itong maghanda na ng dalawang chartered flights para agad mai-repatriate ang mga labi sakaling payagan na ng pamahalaan ng Saudi.

 

 

Read more...