India nakapagtala ng mahigit 13,000 bagong kaso ng COVID-19 sa magdamag

May naitalang mahigit 13,000 bagong kaso ng COVID-19 sa India sa nakalipas na magdamag.

Sa huling datos, ang India ay mayroon nang 381,091 na kaso ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, mahigit 205,000 ang naka-recover na.

Habang mahigit 163,000 pa ang aktibong kaso.

Ang india ay mayroon namang mahigit 12,600 na nasawi dahil sa COVID-19.

 

 

Read more...