Mga estudyante hindi obligadong bumili ng gadgets, magpakabit ng internet para sa blended learning

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa pamilya ng estudyanteng nag-suicide sa Sto. Domingo, Albay.

Base sa ulat, napakamatay ang mag-aaral dahil sa problema sa kawalan ng cellphone load na kailangan para sa online classes. Ang biktima ay sasailalim dapat sa Balik-Aral ng DepEd.

Sa pahayag ng DepEd iginiit nito na hindi obligadong bumili ng gadgets ang mga magulang at mag-aaral at hindi obligadong magpakabit sila ng internet para makalahok sa learning programs na ipatutupad ngayong school year.

Sinabi ng DepEd na ang online learning ay isa lamang sa mga opsyon sa blended learning na ipatutupad ng ahensya.

Hindi umano bulag ang DepEd sa kalagayan ng maraming mag-aaral sa bansa na walang sapat na resources para sa online learning.

Ipinaliwanag ng DepEd na ang pinaghahandaan sa ngayon na home-based learning ay gagamitan ng TV, radio, online, at printed modules.

 

 

Read more...