Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 188.43 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (June 19) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 188.58 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.96 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 101.02 habang bahagyang nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 75.32 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 75.34 meters.
Samantala, nabawasan din ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams habang nadagdagan ang antas ng tubig ng Binga dam.
Mary
MOST READ
LATEST STORIES