Laguna at Batangas uulanin sa susunod na mga oras

Magpapatuloy ang pag-ulan na nararanasan sa Laguna at Batangas.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 7:12 ng umaga ngayong Biyernes, June 19 katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa dalawang lalawigan sa susunod na mga oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang mararanasan sa Plaridel at Atimonan sa Quezon.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mabababang lugar sa posibleng pagkakaroon ng flash flood.

 

 

Read more...