Pangulong Duterte dadalo sa Asean virtual summit sa June 26

Dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa virtual summit ng Association of South East Asian Nations (Asean) sa susunod na linggo.

Ayon ito kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Ang Vietnam ang host ng online summit sa June 26.

Dapat ay noong Abril ito gaganapin sa Vietnam pero ipinagpaliban dahil sa pandemic ng COViD-19.

Noong kalagitnaan ng buwan ng Abril ay nagkaroon na ng special online summit ang
regional bloc kung saan tinalakay ang pagtugon sa pandemic ng COVID-19.

 

 

 

 

Read more...