Global cases ng COVID-19 sumampa na sa mahigit 8.5 million

Umakyat na sa mahigit 8.5 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 8,552,729 na ang global cases ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, mayroong mahigit 455,000 na ang nasawi.

Umabot naman na sa mahigit 4.5 million ang naitatalang naka-recover o gumaling na sa sakit.

Habang halos 3.6 million pa ang aktibong kaso kung saan mahigit 54,000 dito ang kritikal ang kondisyon.

Sa nakalipas na magdamag, ay umabot sa halos 122,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo at halos 5,000 ang naitalang bagong nasawi sa sakit.

 

 

 

Read more...