Kaso ng COVID-19 sa Taguig nadagdagan ng 9 pa

May naitalang siyam pang bagong kaso ng COVID-19 sa Taguig City.

Ang mga bagong kaso ay mula sa mga barangay na Maharlika, Napindan, North Daang Hari, Pinagsama, Tanyag at Western Bicutan. .

Sa ngayon ang kabuuang bilang ng confirmed cases sa Taguig ay 615 na.

Nananatili naman sa 21 ang nasawi at mayroong 120 na naka-recover sa Taguig.

Ang Taguig ay naglungsad ng SMART testing o ang Systematic Mass Approach to Responsible Testing kung saan nakapaloob ang barangay-based testing at ang drive-thru testing.

 

 

Read more...