Jose Abad Santos, Davao Occidental muling niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 76 kilometers southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, ala-5:59 madaling araw ng Biyernes (June 19).

May lalim na 60 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Nauna nang niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang Jose Abad Santos, Davao Occidental kaninang ala-1:17 ng madaling araw.

 

 

Read more...