Ayon kay City Police Investigation chief Major Gideon Ines Jr. ang mga dayuhan ay kinilalang sina:
Cedric Fowetfeih Nhengafac, 30
Ndipagbor Rayuk, 39
Christian Menkami Youmbi, 35
Ashu Cederick, 34
Nintedem Feudjio Bertrand, 30
Mekoulou Christelle Clemence, 30
Bernadette Bareja, 34
Vitalys Ninjiwa, 43
Jacques Mboum Mbitock, 33
Hyacinthe Gabre, 38
and Ngami William, 29
Lahat sila ay pawang Cameroonians.
Nadakip ang iba pang mga dayuhan na sina
Joseph Emmanuel Faure, 26, Seychelles national
Cristina Nkengasong Ngunyi, 25, Nigerian
Ezeugwu Osita Linus, 36, Nigerian
Harry Teenesee, 45, Liberian
Saikou Omar Kujabi, 34, Gambia national
Ikinasa ng mga tauhan ng Makati Central Police Station at SWAT ang operasyon sa D’Evolution Bar sa Mariano Street, Brgy. Poblacion dahil sa reklamo ng mga residente malapit sa lugar.
Sa ilalim ng umiiral na general community quarantine ay bawal pa ang pagdaraos ng social gathering.
Sampu sa mga dayuhan ay nahuli sa loob ng bar habang nag-iinuman habang ang anim naman ay nahuli sa labas ng bar.
Ang iba sa kanila nakuhanan pa ng shabu.
Sasampahan ng reklamong paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.