Mahigit 2,000 pang Pinoy nakauwi sa bansa

Mayroong mahigit 2,000 pang Filipino abroad ang nakabalik sa bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) kabilang sa mga dumatinsa bansa ang 303 na Filipino seafarers mula Barbados.

Sila ay pawang crew ng Mein Schiff cruise ships sa Germany.

Mayroon ding 344 pang OFWs mula Jeddah, Saudi Arabia ang dumating sa bansa lulan ng DFA chartered PAL flight.

Mayroon ding 309 na Filipino seafarers mula sa Marella Cruises sa UK.

Habang mayroon pang 363 na stranded overseas Filipinos mula Macau ang dumating din sa NAIA.

Ayon sa DFA, simula noong February 2020 ay mahigit 48,000 nang OFWs mula sa mga bansang apektado ng pandemic ng COVID-19 ang nakauwi sa bansa.

 

 

Read more...