Malaking bahagi ng bansa apektado ng ITCZ

Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang nakaaapekto sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Dahil sa ITCZ, ang Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na mayroong kalat-kalat na pag-ulan.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lang ng bahagyang maulap na papawirin at mayroong isolated na pag-ulan.

Ngayong araw mainit na temperatura pa rin ang aasahan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA maaring umabot sa 34 degrees Celsius ang maximum temperature sa Metro Manila.

Habang sa Tuguegarao City posibleng pumalo sa 35 degrees Celsius ang maximum na air temperature.

Simula ngayong araw hanggang sa Linggo ay wala namang inaasahang sama ng panahon na mabubuo o papasok sa bansa.

Dona Dominguez-Cargullo

 

 

Read more...