Partial eclipse masasaksihan sa bansa sa June 21

May masasaksiang partial eclipse sa June 21 araw ng Linggo.

Ayon sa PAGASA, tatagal ng dalawang oras at kalahating ang partial eclipse.

Magsisimula ang partial eclipse alas 3:01 ng hapon.

Ang maximum eclipse ay masasaksihan alas 4:22 ng hapon.

At magtatapos ito ng alas 5:31 ng hapon.

Sa ibang bansa gaya ng China at Taiwan, sinabi ng Pagasa na annular solar eclipse ang masasaksihan.

 

 

Read more...