Sanggol, malusog na ipinanganak ng isang babae na tinamaan ng Zika virus sa Mexico

ZIKAMalusog na ipinanganak ng isang babae na kumpirmadong tinamaan ng Zika virus ang isang sanggol sa Southern state ng Chiapas sa Mexico.

Ayon sa Health Ministry ng Mexico, mula sa Pijijiapan town ang babae na ipinanganak ang isang six pounds o 2.8 kilo na lalaking sanggol sa isang ospital sa Tuxtla Gutierrez City noong Biyernes.

Matapos ang evaluation, kinumpirma ng pediatric center ng naturang ospital na “clinically healthy” ang sanggol.

Ang naturang babae ay kabilang sa anim na kumpirmadong tinamaan ng Zika virus habang nagbubuntis.

Ang Zika virus na kumakalat sa pamamagitan ng lamok ay iniuugnay sa Microcephaly na isang birth defect kung saan ipapanganak ang sanggol na maliit ang ulo.

Wala lunas sa Microcephaly ay walang pang vaccine kontra sa Zika virus.

Sa walumpung kaso ng Zika sa Mexico, apatnapu’t lima dito ay matatagpuan sa Chiapas.

Ayon sa Brazil, ngayong linggo ay nakapagtala sila ng mahigit limangdaan kaso ng Microcephaly simula pa noong Oktubre.

Read more...