Oil depot ng Phoenix Petroleum sa Batangas nasusunog

phoenix2
phoenixpetroterminals.com.ph

(Breaking news) Itinaas na sa general alarm ang sunog na tumutupok sa oil depot ng Phoenix Petroterminals and Industrial Park Corporation na matatagpuan sa Baranggay Puting Bato West Calaca Batangas.

Sa paunang report ng Bureau of Fire Protection sa Batangas, pasado alas-singko ng hapon nagsimula ang apoy.

Nahihirapan ang mga tauhan ng BFP dahil pawang mga petroleum products ang nasusunog base sa kanilang inisyal na ulat.

Sa nasabing compound din matatagpuan ang planta ng South Luzon Thermal Energy Corporation na nagbibigay ng 135-megawatt sa Luzon Grid.

Patuloy ang pangangalap ng mga impormasyon habang patuloy ang nagaganap na sunog sa lugar.

Read more...