Bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19, 450 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa monitoring report hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (June 18), sinabi ng PNP Health Service na 450 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Nasa 695 na pulis ang itinuturing na probable case habang nanatili sa 884 ang suspected cases.

Sinabi pa ng PNP na umakyat sa 271 na ang total recoveries sa hanay ng pambansang pulisya sa naturang sakit.

Nasa pito naman ang pumanaw bunsod ng nakakahawang sakit.

Read more...