Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,923

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (June 18, 3:00 PM) nakapagtala ng 21 na bagong kaso kaya pumalo na sa 1,923 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 450
Laguna – 561
Batangas – 248
Rizal – 523
Quezon – 141

Nasa 1,049 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 17 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 181
Laguna – 335
Batangas – 165
Rizal – 262
Quezon – 106

Nadagdagan ng anim ang COVID-19 related deaths kaya umabot na ito sa rehiyon sa 178.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 35
Laguna – 37
Batangas – 29
Rizal – 67
Quezon – 10

Read more...