Sa sobrang pag-intindi sa mangyayaring ‘online classes,’ nagpakamatay ang isang incoming Grade 9 student sa Sto. Domingo, Albay noong nakaraang Martes.
Ayon sa ina ng 19-anyos na lalaki, madalas na inirereklamo ng kanyang anak ang cellphone load na kakailanganin para sa online class.
Sa pahayag ni DepEd Region 5 Dir. Gilbert Sadsad ang biktima ay estudyante ng Sto. Domingo National High School at ang pagpapakamatay ay nangyari sa isang kubo sa Barangay Fidel Surtida.
Natagpuan ang nakabigting biktima ala-5 ng madaling araw, ayon pa kay Sadsad.
Nangyari ang insidente, ilang araw matapos iligtas ng biktima sa pagpapakamatay ang isang kaibigan.
Nabatid din na ang biktima ay sasailalim sana sa Balik-Aral Program ng DepEd.
Sinabi ni Sadsad na gagawa sila ng hakbang para sumailalim sa psycho-social intervention ang mga kapatid ng biktima dahil sa maaring epekto sa kanila ng pangyayari.