Mga batikos na natutulog lamang ang DOTr pinalagan

Photo grab from PCOO Facebook video

Pumalag ang Department of Transportation (DOTr) sa mga batikos na walang ginagawa ang ahensya sa pamumuno ni Transportation Secretary Arthur Tugade lalo na ngayong panahon ng covid-19 pandemic.

Ayon sa ahensya, si Tugade ang nagtulak para sa partial, gradual at calculated na pagbubukas ng public transport matapos ang enhanced community quarantine.

Sinunod anila ang heirarchy ng public transportation tulad ng operasyon ng mga tren, bus augmentation system, taxi at transport network vehicle service o TNVS.

Nagbukas na rin ang LTFRB ng mga bagong ruta ng city bus kahit hindi pa nasimulan ang pagbyahe ng mga bus.

Sa ilalim ng Phase 2 ng pagpayag na mag operate ang public transport, maaari nang makabiyahe ang mga UV Express at mga modernong dyip.

Sabi pa ng ahensya, pinangunahan nila ang pagtatayo ng testing laboratories sa Clark, Pampanga at Cebu kung saan ang laboratoryo sa Clark Civil Aviation Complex na may dalawang machine ay kayang makapag-test ng 1,800 test results kada araw.

Noon anilang nalipat sa General Community Quarantine mula sa MECQ ang Metro Manila ay nagbukas na muli ang operasyon ng mga tren kung saan mula June 1 ang MRT-3 ay nakakapagpatakbo ng 20 train kada araw; walong tren ang PNR; limang tren ang LRT 2 na may isang reserba at 28 train naman ang sa LRT 1.

Mayroon ding 90 bus ang nagagamit lara sa MRT-3 augmentation.

Read more...