Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Huwebes, June 18) pumalo na sa 289 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan pito ang nadagdag.
Sa nasabing bilang, 111 ang active cases.
Nadagdagan ng isa ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lungsod kaya umabot na ito sa 29.
Nasa 149 naman ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit.
MOST READ
LATEST STORIES